Lupang Hinirang

Lupang Hinirang (Tagalog version)

Bayang magiliw,
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso,
Sa Dibdib mo’y buhay.

Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula,
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma’y di magdidilim,

Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo,
Aming ligaya na pag may mang-aapi,
Ang mamatay ng dahil sa iyo.

Source: Lupang Hinirang lyrics

Anong masasabi mo? 🙂
READ:  5 facts about Salipada Pendatun, the Forgotten Hero from Mindanao